II. Pagkilala
May hininga ng apat na araw
na sanggol ang tanghaling tapat.
Ang bunsong pagdating
at pananahan sa bahay ay inuugoy
ng mga huni ng ibon.
Kahit tanghaling tapat,
nagsasagutan sa pagtilaok
ang mga manok.
Habang sa sulok ng bakuran ng bahay,
sa may labas sa kanto, nakipagtitigan
ang isang nakatanod na aso.
Bumalik ako sa loob.
Pero hinahabol ako ng tahol.
Naaaninag pa rin, marahil,
ang huling bahid ng dilim
ng estranghero kong anino. #
(Disclaimer: Ang litrato ay hindi pag-aari ng may-akda. Ito ay halaw lamang sa Google. Inilangkap ang larawan sa orihinal kong tula upang makapag-ambag sa visual na imahen ng tula. Ang litrato ay mula sa link na:
No comments:
Post a Comment