Friday, April 22, 2011

Tula Tungkol sa Aking Anak at Asawa (9)



IX. Alamat sa awiting bayan

Saan isinisilang at kinakalinga
ang mga awitin at kwentong bayan?
Marahil, ang matris nito ay ang kuna
at ipinaghehele sa bisig ng isang lola.

Inday, Inday, nakain ka
Han kasunog han munyika
Pito ka tuig an paglaga
An aso waray kitaa.

At tulad ng sipol,
hangin itong inaamo at tinatawag
upang magkumot ng idlip at himbing.

Dandansoy...dandasoy...
Dandansoy...dandansoy...

Sa pagmulat at pagkamulagat
ay ang pabaon sa paglago at gunita
sa kakambal na lawas ng diwa at katauhan.

Inday, Inday, nakain ka
Han kasunog han munyika
Pito ka tuig an paglaga
An aso waray kitaa. #


 

No comments:

Post a Comment