Friday, April 22, 2011

Mga Tula sa Aking Anak at Asawa (7)


VII. Selyo

Ang unang selyo
sa dokumento ng palatandaan
ng kanyang pagsilang
ng kanyang sarili't kakanyahan
ay ang kaliwa't kanang badhi
ng kanyang munti at maririkit na talampakan.
(Para siyang bumoto nang dalawang beses
nitong nakaraang halalan sa barangay!)

Paalala, marahil, na saan man dumako,
malapit o malayo man ang marating
kailangan laging
lapat ang mga paa sa sahig ng lupa.
Dahil bilang isang nilalang,
doon tayo umuukit ng pangalan;
ang tabularasa at bakat na lumulutang sa kalawakan. #

No comments:

Post a Comment